Para sa ibang mga gamit ng kataga, tingnan ang Katolisismo.
Ang Simbahang Katoliko Romano o Simbahang Katoliko (o Simbahang Katolika) ay isang Kristiyanong simbahan na nasa buong kapisanan kasabay ng Obispo ng Roma, na kasalukuyan ay ang Santo Papa, si Benedicto XVI.
Binabakas ang pinagmulan nito sa orihinal na pamayanang Kristiyano na itinatag ni Hesus at ipinalaganap ng mga Labindalawang Apostol, partikular na si San Pedro.[2][3]
Ang Simbahang Katoliko ay ang pinakamalaking simbahang Kristiyano, na nagkakatawan sa kalahati ng lahat ng mga Kristiyano, at ay ang pinakamalaking organisadong yunit ng anumang pananampalataya sa mundo.[4] Ayon sa Statistical Yearbook of the Church, ang bilang ng nakatalang pandaigdigang kasapi ng Simbahang Katoliko sa katapusan ng 2005 ay 1,114,966,000, na malapit sa ika-anim na bahagi ng populasyon ng mundo.
Ang pandaigdigang Simbahang Katoliko ay binubuo ng isang Latin o Kanluranin at 22 Silanganing Katolikong nagsasariling simbahang partikular, kung saan lahat ay tumitingala sa Papa, na mag-isa o kasama ng Kolehiyo ng mga Obispo, bilang kanilang pinakamataas na autoridad sa daigdig sa mga paksa ng paniniwala, mga asal at ng pansimbahang pamamahala.
Nakahati ito sa mga nasasakupang pook, karaniwan sa batayang teritoryal. Ang pamantayang teritoryal na yunit ay itinatawag na diyosesis sa simbahang Latin at eparkiya sa mga Silanganing simbahan.
Ang bawat diyosesis o eparkiya ay nasa pamumuno ng isang obispo, patriyarka o eparko. Sa katapusan ng 2006, ang buong bilang ng lahat ng itong mga nasasakupang pook ay 2,782.
Tuesday, January 6, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment