Mga Anyong Lupa at Tubig
-Ang Bundok Banahaw ay isang dating bulkan sa Pilipinas na matagpuan sa hangganan ng mga lalawigan ng Laguna at Quezon sa Luzon.
-Ito ay isang tinatawag na "extinct volcano". Kapag dumaan ka sa national road ito ay malinaw na nakikita. Dahil ito ay dating bulkan, maraming hot springs na matatagpuan dito at maraming tao rin ang umaakyat sa tuktok nito dahil may "milagro" raw yung tubig na nakapagpapagaling ng maysakit.
-Ang Bundok Banahaw ay isang dating bulkan sa Pilipinas na matagpuan sa hangganan ng mga lalawigan ng Laguna at Quezon sa Luzon.
-Ito ay isang tinatawag na "extinct volcano". Kapag dumaan ka sa national road ito ay malinaw na nakikita. Dahil ito ay dating bulkan, maraming hot springs na matatagpuan dito at maraming tao rin ang umaakyat sa tuktok nito dahil may "milagro" raw yung tubig na nakapagpapagaling ng maysakit.
- Ang Bundok Everest ay ang pinakamataas na bundok sa Daigdig. Inaakalang tumataas ang tuktok ng Everest sa tulin na mga 4 milimetro bawat taon.
Mga anyong lupa
Kapatagan — isang lugar kung saan walang pagtaas o pagbaba ng lupa, patag at pantay ang lupa rito. Maaaring itong taniman ng mga palay,mais,at gulay.
Bundok — isang pagtaas ng lupa sa daigdig, may matatarik na bahagi at hamak na mas mataas kaysa burol.
Bulkan — isang uri ng bundok sa daigdig na kung saan ang tunaw na bato ay maaaring lumabas dito mula sa kailaliman ng daigdig. May dalawang uri ng bulkan, una ang tinatawag na tahimik na kung saan matagal na hindi ito sumasabog, at ang ikalawang uri naman ay aktibo na kung saan maaari itong sumabog anumang oras.
Burol — higit na mas mababa ito kaysa bundok at ang halimbawa nito ay ang tanyag na Chocolate Hills ng Bohol sa Pilipinas.
Lambak — isang kapatagan ngunit napaliligiran ng mga bundok. Marami ring mga produkto tulad ng gulay, tabako, mani, mais, at palay ang maaaring itanim dito.
Talampas — patag na anyong lupa sa mataas na lugar. Maganda ring taniman dahil mataba ang lupa rito. Malamig at mahangin sa lugar na ito.
Tangway — isang pahaba at naka-usling anyong lupang na halos napalilibutan ng tubig.
Baybayin — bahagi ng lupa na malapit sa tabing dagat
Bulubundukin — matataas at matatarik na bundok na magkakadikit at sunud-sunod.
Pulo — mga lupain na napalilibutan ng tubig.
Yungib — mga likas na butas na may sapat na laki at lawak na maaaring pasukin ng tao at hayop
Mga anyong tubig
Karagatan - ang pinakamalaking anyong tubig.
Dagat - malaking anyong tubig, ngunit mas maliit sa karagatan
Ilog - isang mahaba at makipot na anyong tubig na umaagos patungong dagat. nagmula ito sa maliit na sapa o itaas ng bundok o burol.
Gulpo - bahagi ito ng dagat.
Lawa - isang anyong tubig na naliligiran ng lupa.
Look - malaking bahagi ng katubigang papasok sa kalupaan.
Bukal - tubig na nagmula sa ilalim ng lupa.
Kipot- makitid na daang-tubig na nag-uugnay sa dalawang malaking anyong tubig tulad ng dagat o karagatan.
Talon - matarik na pagbaba ng tubig sa isang sapa
Batis - ilug-ilugan o saluysoy na patuloy na umaagos.
Sapa - anyong tubig na dumadaloy.
No comments:
Post a Comment