Tuesday, January 6, 2009

Panahon ng Pagtuklas (Jason)

Salik sa Pagtuklas sa England


Noong 1066 sinakop ng mga Norman ang Anglo-Saxon England. Ang duke ng Normandy na si William the Conquerer ay gumawa ng paraan upang makapagtatag ng kapangyarihan sa bagong nasasakupan. Ginawa niya ito sa pamamagitan ng pag- angkin sa ikaanim na bahagi ng kabuuang lupain habang ang nalalabi ipinamahagi niya sa mga Nobility o dugong bughaw na Norman na nangako sa kanya ng katapatan at proteksyon. Upang matiyak na hindi siya malamangan ng nobility sa kapangyarihan pinanatili ni William ang ilang administribong tradisyon tulad ng paghahati sa teritoryo sa shires. Ang Shires ay administribong distrito na pinamumunuan ng sheriff o ahente ng hari. Ang ganitong pamamaraan ay nagbigay sa hari ng kontrol sa local na pamahalaan. Upang malaman kung gaano karami ang makukuha mula sa mamamayan., ipinag- utos ni William ang pagsasa gawa ng sensus ng mga tao at ari arian nila sa bawat pamayanan. Ang resulta nito ay makikita sa Domesday Book kung saan nakalista ang bilang ng magsasaka, hayop, at kagamitan sa pagsasaka. Makikita ang unti- unting paglakas ng kapangyarihan ng hari. Upang matiyak ang hindi pagmamalabis ng hari, nag- alsa ang mga panginoong maylupa noong 1215 at pinilit ang hari noon na si Haring John na lagadaan ang Magna Carta. Ang doktrinang ito ang ginawang panuntunan at batayan ng mga English sa lahat ng usapin patungkol sa kalayaan at mga karapatan ng mga mamamayan. Nakasaad sa Magna Carta na hindi maaaring makulong antg isang tao na hindi maaring makulong ang isang tao nang hindi dumaraan sa angkop na paglilitis. Hindi rin maaaring itaas ng hari ang buwis nang hindi inaaprubahan ng Great Council ng binubuo ng House of Lords ( mga obispo at nobility) at House of Commons (mga kabalyero at bourgeoisie)


Salik sa Pagtuklas sa France

Malaki ang papel na ginampanan ni Charlemagne sa pag- usbong ng France. Nang mapasakamay niya ang kaharian simula 771 C.E., ginawa niya ang lahat upang mapanatili ang kasarinlan ng France at mapalawak ang teritoryo nito sa pamamagitan ng kanyang hukbong militar. Sa katunayan, siya ang naglunsad ng kontra atake laban sa mga Muslim sa Spain. Sa pagkamatay ni Charlemagne nahati sa kanyang tatlong anak antg imperyo. Subalit dahi sa pag- atake ng mag Viking, pananalakay ng mga Muslim sa timog ng bahagi ng France at pag- agaw ng kapangyarihan ng ilang panginoong maylupa, tuluyang nawala sa pamilyang Carolingian ang trono,. Ang pumalit sa kanila ay ang pamilyang Capetian na nagpatatag sa monarkiyang French sa pamamagitan ng pagkamkam ng teritoryo. Kapag namatay ang isang Lord o panginoong maylupa na walang tagapagmana inaangkin ng hari ang lupa nito.
Mula kay Louis VI hanggang kay Philip Augustus, napalawak ang teritoryo ng France. Sa ilalim naman ni Louis IX ay lalo pang napatatag ang kapangyarihan ng hari. Sa pamamagitan ng digmaan at pagpapakasal ay nadagdagan pang lalo ang lupain ng kaharian. Napatupad din ng sistema sa pagbubuwis upang madagdagan ang kaban ng yaman, maging ang Simbahan ay binuwisan. Sa pamamagitan ng parlement o parlamento, napalawak ang kapangyarihan ng hari sa hustisya dahil ang mga away ng hari at ng mga basalyo ay nilulutas dito at hindi na mga panginoong maylupa ang magpapasya


Salik sa Pagtuklas sa Portugal


Ang Portugal ay matatagpuan sa Kanlurang dalampasigan ng Iberian Peninsula kung kaya’t nakapagpaunlad ito ng tradisyong pandagat. Ang umusbong na ekonomiyang pandagat ay nakatulong din sa Portugal dahi sa pag- usbong ng mga lungsod ng Lisbon at Oporto bilang sentrong pangkalakalan. Ang suportang iginawad ni Henry ay naging dahilan din upang maunahan ntg Portugal ang mga kalabang bansang Europeo sa husay sa pagalalagay.





Salik sa Pagtuklas sa Spain


Noong 1492, narrating ng manlalayag na Italian na si Christopher Columbus ang America. Ang kanyang serbisyo ay una niyang inalok sa Portugal subalit nang hindi niya ito mahikayat, lumapit siya sa Spain. Sinuportahan niya si Reyna Isabella sa

No comments: