MitoAyon sa mito, nagmula ang unang lalaki at babae sa isang kawayan na nilikha ng mga diyos na sina Captan at Maguayen. Ito ay sina Sicalac at Sicabay. Ang unang anak nina Sicalac at Sicabay ay isang lalaki at pinangalanan nila itong Libo. Sumunod nilang naging anak ay isang babae, si Saman, at ang pinakabata ay isang lalaki muli si Pandaguan. Teorya ng PandarayuhanMay iba't-ibang pangkat ng tao ang dumating sa Pilipinas. Sila ay nakapag-ambag sa kultura ng sinaunang Pilipino.
Negrito
Indones
Malay
Teorya ng Ebolusyon ni JocanoAyon kay F. Landa Jocano, bagama't maraming pangkat ng tao ang dumating sa bansa noong unang panahon, hindi pa rin tiyak na dumating sila sa ganoong panahon at pagkakasunod-sunod.
Idinagdag pa niya na hindi sapat na tanggapin bilang mga katibayan ng kaibahan ng kultura ng alinmang pangkat ang mga nahukay na relikya o labi ng mga unang tao.
Hindi siya sang-ayon sa ginawang pag-uugnay ng uri ng kagamitan sa pisikal na anyo at kultura ng isang pangkat.
mito - salaysay o naratibo na naisalin mula sa sinaunang henerasyon at tinatanggap na tunay na bahagi ng kasaysayan bagama't wala itong matibay na batayan.
pandarayuhan - paglipat at pagtira sa ibang lugar.
pandarayuhan - paglipat at pagtira sa ibang lugar.
relikya - mga labi ng sinaunang tao.
_dynalyn_
No comments:
Post a Comment