> Mga arko na itinayo sa karangalan ng magigiting na mandirigma ng Imperyong Romano.
Ang blog na ito ay isang proyekto ng aming grupo sa AP project sa pamumuno ni Ms. Madonna Roque. Ang aming grupo ay binubuo nila: *Jan Michael Padilla *Dynalyn Gumawid *Roostica Manalaysay *Joramie Roque *Allen Santos *Allyn Mae Apeda *Sherwin Pabalan *Jennylyn Corpuz *Dave Fajardo *Fillip Dimagiba *Eldrin john bagtas. Sanay magustuhan nyo ang aming ginawa naming blog! :D
Noong 1066 sinakop ng mga Norman ang Anglo-Saxon England. Ang duke ng Normandy na si William the Conquerer ay gumawa ng paraan upang makapagtatag ng kapangyarihan sa bagong nasasakupan. Ginawa niya ito sa pamamagitan ng pag- angkin sa ikaanim na bahagi ng kabuuang lupain habang ang nalalabi ipinamahagi niya sa mga Nobility o dugong bughaw na Norman na nangako sa kanya ng katapatan at proteksyon. Upang matiyak na hindi siya malamangan ng nobility sa kapangyarihan pinanatili ni William ang ilang administribong tradisyon tulad ng paghahati sa teritoryo sa shires. Ang Shires ay administribong distrito na pinamumunuan ng sheriff o ahente ng hari. Ang ganitong pamamaraan ay nagbigay sa hari ng kontrol sa local na pamahalaan. Upang malaman kung gaano karami ang makukuha mula sa mamamayan., ipinag- utos ni William ang pagsasa gawa ng sensus ng mga tao at ari arian nila sa bawat pamayanan. Ang resulta nito ay makikita sa Domesday Book kung saan nakalista ang bilang ng magsasaka, hayop, at kagamitan sa pagsasaka. Makikita ang unti- unting paglakas ng kapangyarihan ng hari. Upang matiyak ang hindi pagmamalabis ng hari, nag- alsa ang mga panginoong maylupa noong 1215 at pinilit ang hari noon na si Haring John na lagadaan ang Magna Carta. Ang doktrinang ito ang ginawang panuntunan at batayan ng mga English sa lahat ng usapin patungkol sa kalayaan at mga karapatan ng mga mamamayan. Nakasaad sa Magna Carta na hindi maaaring makulong antg isang tao na hindi maaring makulong ang isang tao nang hindi dumaraan sa angkop na paglilitis. Hindi rin maaaring itaas ng hari ang buwis nang hindi inaaprubahan ng Great Council ng binubuo ng House of Lords ( mga obispo at nobility) at House of Commons (mga kabalyero at bourgeoisie)
Salik sa Pagtuklas sa France
Noong 1492, narrating ng manlalayag na Italian na si Christopher Columbus ang America. Ang kanyang serbisyo ay una niyang inalok sa Portugal subalit nang hindi niya ito mahikayat, lumapit siya sa Spain. Sinuportahan niya si Reyna Isabella sa